Lumalala na ang krisis dito sa Pilipinas. Krisis sa ekonomiya ang pinakauna sa lahat ngunit bakit hindi natin pansinin ang ibang pang problemang pinagdadaanan ng ating bansa.Mga bagay na dapat sana ay mas binibigyan ng pansin ng ating pamahalaan mas lalong tayong mga pilipino na higit na maaaring maapektuhan nito.
Bagyo,lindol,sunog …ilan lamang iyan sa mga sakunang atin nang napagdaan ngayong taon na ito at sa mga nagdaan pang mga panahon. Ito rin yung mga bagay na inaakala nating hindi gaanong makaapekto sa ating lipunan higit sa ating papaunlad na ekononiya.
Ayon sa ulat ng Citizens’ Disaster Response Center (CDRC) noong taong 2009, ang Pilipinas ang pinakauna sa listahan ng mga bansa na madalas tamaan ng kalamidad sa mundo. Dagdag pa , ang ating bansa ang pumapangalawa sa top 10 na bansangng mga nakaraang kalamidad at tinatayang 13.6 milyong katao noong 2009 ang nasalanta. Sumunod tayo sa Tsina na may 68.7 milyong katao ang naapektuhan. Isang malinaw na katibayan ito na higit na delikado ang ating bansa na maaring maging peklat ng ating bansa.
Kaya bilang isang hamon sa ating mga kabataang mamamahayag tulad ko, “paano ako makakatulong sa lipunan upang bumaba sa listahan ang Pilipinas sa hanay ng mga bansang pinakaapektado ng mga natural na sakuna?” Sabi nga hindi mo maaaring maiwasan ang pagdating ng mga pagsubok sa ating bansa tulad ng mga kalamidad ngunit maaring mabawasan ang epekto nito sa ating mga pilipino.
PLUMA,PAPEL AT MEDYA,simple mang maituturing ang mga iyan ay sandata paring maaaring makatulong sa paglutas nito.Sa pamamagitan ng mga bagay na ito ay maiiwasan natin ang posibleng kalamidad na dumating sa ating bansa lalo sa ating lipunan. Ito na rin ang kasagutan sa ating mga katanungan.
Sa simpleng paggamit ng mga ito ay maaring maipahayag ang mga dapat malaman ng mga tao sa bansa. Makakapagbigay rin ito ng mga maagang impormasyon at mga kailangang gawin ng isang pilipino bago pa man dumating o sumalanta ang anumang kalamidad dito sa ating bansa gayundin sa buong mundo na maaaring maapektuhan upang maging handa tayo sa maaaring mangyari .
Kaya kahit sabihin mang payak ang mga ito ay malaking tulong ito sa ating bansa kasama ang mga medya, lalo ang mga mamamahayag na may tungkuling iparating sa inyo ang inyong dapat malaman sa pang araw-araw nating pamumuhay at higit sa lahat ay ang kooperasyon ng bawat tao sa isang komunidad o bansa.#
No comments:
Post a Comment