SF8
Tunay ngang noong nagpaulan ang Maykapal ng biyaya at yaman, nasalo at naligo ang bansang Pilipinas, partikular sa yaman ng kalikasan. Hindi mabilang ang yaman na tinataglay ng Perlas ng Silangan. Subalit sa oras na magwala ang Inang kalikasan, handa na ba ang bayan ni Juan?
Tila isang hindi inaasahang bisita ang dumalaw sa bayan ni Juan. Para bang napadaan lang sa isang kakilala at sumira ng araw. Naiwang luhaan at tila isang basang sisiw ang buong mamamayan matapos lunurin sa baha at bayuhin ng malalakas na hangin ng bagyong Juan ang mismong bayan ni Juan. Hindi naprotektahan at naisalba ang kabuhayan ng mga magsasaka partikular sa lalawigan ng Isabela.
Ayon sa balita, eksaktong ika 10:00 ng umaga noong ika 18 ng Oktubre ng hagupitin ng bagyo ang Isabela. Maraming buhay ang tinangay at ang iba’y nawawala pa. Samantalang umabot sa P11.53 bilyon ang halagang napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura ng bansa batay sa tala ng Department of Agriculture ( DA). Maraming kabuhayan ang nalubog at nawasak sa pagbisita ni Juan.
Sariwa pa sa isipan ng bawat isa ang katulad ng pananalasa ng bagyong Juan mahigit isang taon na ang nakakalipas. Sino ba namang makakalimot sa pagpapalangoy sa baha ng bagyong Ondoy sa kalakhang Maynila at mga kalapit na lalawigan? Dalawang daan katao ang nasawi samantalang daan-daang kabahayan naman ang nilubog sa baha.
Habang nagaganap ang bawat pangyayari, mayroong mga taong nilulubog ang isang paa sa panganib makapaghatid lamang ng sapat na impormasyon. Mga taong ang tanging nasa isipan ay magampanan ang nakaatas na trabaho. Mga taong kadalasang lapis at papel ang dala-dala. Sila ang siyang nagbibigay linaw sa paparating na delubyo, ang mga mamamahayag.
Sila ang nagbibigay ng malinaw na imporamasyon sa buong sambayanan sa oras na nagkakaroon ng kalamidad. Sila ang naghahatid sa bawat isa ng mga salita ng pamahalaan. Mga mamamahayag din ang nagbibigay ng ilang mga payong gagawin sa oras na maipit sa pananalasa ng kalamidad. Sa tulong ng ilang ahensya ng pamahalaan, malaking bagay ang kanilang nagagampanan.
Subalit isa lamang ang mga bagyong ito na elemento ng masamang pagbabago-bago ng takbo ng klima’t panahon. Ilan lamang ito sa mga gumuhit ng kasaysayan sa puso’t isipan ng bawat mamamayan at nagbingit ng kapahamakan sa buhay ng mga mamamahayag. Delubyong maaaring marami pa ang darating at mananalasa sa bansang Pilipinas. Sa mga pagkakataong ito, handa na nga ba ang bayan ni Juan?
ReplyDeleteguitar pro 7 crack
ytd pro key
ReplyDeleteCrack Software
Crack Keygen