Popular Posts

Tuesday, November 9, 2010

“Kaya mo ba?”

                                                                                                                                                          SF12
            
“Teka muna hindi mo ba nakikitana ako’y wasak na? Wala ka man lamang pakialam kung anu na ang nangyayari  sa akin. Saan ba nanggagaling ang sinusuot mo, ang kinakain mo at ang lahat lahat ng nasasa iyo? Hindi ba sapat ang pagtulong kong ginagawa sayo?”
Kung nakakapagsalita lamang siguro ang ating likas na yama’y iyan din ang magiging bukang bibig nila. Malulungkot at tila wala ng natitirapang awa ang mga na sapalibot nila.Kailan natin gagawin ang dapat? Hihintayin pa ba nating mag karoon ng “bagyong Ondoy take 2?”
Naalala mo pa ba noong taong 2009 ang mga sandili kung saan halos tinutukan ng lahat ang kalulunos na kaganapan na nangyari sa atin sa pagdaan na natayang isa sa mga napakalakas na bagyo na  dumaan sa ating bayan. Libo libo ang inagawan ng buhay, nawalan ng tahanan at nawalan ng ikabubuhay. Kalunos lunos ang sinapit ng marami sa atin. Gusto mo pa ba itong maulit?
Maroong maikling kwento ng kabayanihan kung saan nagpapatunay na kahit sino pa’y maaaring tumulong at maaaring tulungan. Unahin na natin ang kwento ng isang batang lalaki na nagngangalang  Joffrey Orosco. Walong taon siya noon ng piliin niyang gumawa ng kabutihan kaysa magpasa walang bahala lang. Siya ay isang mamamayang walang muwang na nagligtas ng buhay ng isang tuta. Nakita niya iyon na nalulunod sa bahaan at kanya itong tinulungan. Sinungkit niya ito at iniuwi. Sa kabutihang palad ay nabuhay ang tuta na ngayo’y maraming anak.Sa isang kabutihang loob ng isang bata’y marami ang nabuhay kahit ito’y isang hamak na tuta lamang.
Kung naaalala mo ang pagliligtas sa mga nasalanta ng ilan nilang mga kamag-anak at ilang nagliligtas ay mapapahanga kayong talaga. Ang pagsugod nila sa kabagyuhan ng walang pag-aalinlangan ay niligtas kayong mga nangangailan. 
Kaya mo ba ang ganoong uri ng kabayanihan na piniling magligtas ng iba bago ang sarili nila?

1 comment:

  1. Merkur - Merkur - Merkur Casino Review | Gaming & Dining
    Merkur 제왕 카지노 is a deccasino high-end supplier to the iGaming industry, so that is not 샌즈카지노 surprising considering Merkur's history.

    ReplyDelete