“Puno ng hiwaga at ganda ang bansang aking nasilayan”.May buhay …may ngiti..may yamang maipagmamalaki..
Ang pluma ko ay muli na namang sumusulat. Tila may nais ipahiwatig. Wari’y nais makalaya sa matagal na panahong pgkakabihag sa kanya sa loob ng kanyang silungan. Ako ang nagsimula. Sa pamamagitan ng aking malikhaing mga kamay.Siya ay nakalaya.
Isa akong simpleng mamamayan sa bansang aking iniirog. Nangarap ng isang buhay na malaya at malayo sa kaguluhan at karahasan subalit heto ako ngayon patuloy na umaasa na sa aking pagsuusulat ay mararamdaman ng mapangapi ang aming hinaing.”Kailan pa ?”Makatatayo pa ba ako mula sa aking pagkakasadlak?
Nagsimula akong maglakbay sa bayang aking kinagisnan. Naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na tumatak at naiwang walang kasagutan sa aking isipan.Ngunit sa muling paghakbang ng aking mga paa.Ano itong aking nasilayan?Nakakapanlumo.Nakakapanghina.”Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Nasaan na hiwaga? Nagtatago sa dilim o marahil ay nadala ng hagupit ng hangin.
Patuloy akong naglakad at nagmasid sa paligid. Sa aking dakong kanan ay napansin ko ang tila malungkot na imahe ni Inang kalikasan,malungkot.Humihingi siya ng tulong. Nahanap ko na ang kasagutan.Ako ang kasagutan kaagapay ang aking lapis at papel. Ako ang magsisimula ng pagkilos .Katarungan.Hustiya.Patuloy sa pagsigaw.Paulit-ulit.Ngunit ang iba'y tila tengang-kawali.Walang naririnig.Madilim.Walan liwanag.Walang nakikita.
Abusadong mga nilalang. Walang awang mga mamamayan. Malupit ang ganti ng kalikasan. Wala na ang mga luntiang puno. Naglaho na ang mga nagsisaawit na mga ibon sa himpapawid. Ang mga masasayang halaman ay dahan-dahan ng inaanod ng mga baha. Marami ng buhay ang nakitil.Nakakaawa.Bansang tila pinagkaitan ng kasiyahan. Bayang sadlak sa unos at kalamidad.”Kailan tayo kikilos at magsisimula?.Bukas?hihintayin pa ba nating lamunin tayo ng marahas na daigdig?.
“Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.”Isang kasabihan.Siya ang ating pag-asa. Ngunit kailangan pa rin nating kumilos para sa tagumpay.Nasaan na ang sinasasbing maaasahang pamahaalaan? Natatago? Marahil sa pagdaan ng panahon ay may nagfing paglilos na an gating pamahalaan,ngunit sapat naba ito?Hindi
Kaya heto ako ngayon,patuloy sa aking pagsusulat.Ang mga katulad kong mamahayag ang magiging daan tungo sa pagbabago at muling pag-ganda ng ating Inang Bayan.Sa aking pagsusulat at pagsaslita ay patuloy na malalaman ng mga ordinaryong mamamayan ang mga kaganapan at maaring mangyari sa ating bayan.Sa pamamgitan ng mga programa ay unti-unting manunumbalik ang kulay at sigla ni Inang Kalikasan.Madadagdagan ang mga puno. Muling await at sasabay sa indayog ng hangin ang mga ibon.Hahaba na ang buhay nating mga nilalang.Mababaweasan ang panganib. Paalam unos at sakuna.Wala na ang pilay.Tatayo na kami.Lalaban at kikilos na kami.Nasilayan ko na ang liwanag.Sa wakas.
Disiplinadong mamahayag. May tungkulin at responsibilidad hindi lamang sa sarili bagkus ay sa kapwa at sa bayan.Ako ang magsisimula. Mula sa aking papel at pluma ay sisimulan nating kumilos.Tama. .Patuloy ako sa aking paglalakad.Tuwid hindi na ako nanghihina.May ngiti na sa labi ni Inang kalikasan.Ginhawa.Ako ang simula. “Nasa mga kamay ko na ang pag-asa,kikilos ako sa pamam agitan ng pluma at papel”. "May Pag-asa sa aking pluma at papel"ang aking nasambit.
No comments:
Post a Comment