Popular Posts

Tuesday, November 9, 2010

Ang Buhay ng Isang Journalist sa kalamidad

SF5

                Sa ating bansa maging sa iba pang mga bansa, lahat ay nakararanas ng mga kalamidad o mga sakuna na maaring makapatay ng libu-libong mga tao. Dito, sa Pilipinas, kalimitan sa mga nararanasang kalamidad o mga sakuna ng ating bansa ay mga bagyo na nakakapagdala ng malawakang baha at landslide. Isa na sa mga bagyong nakarating ditto sa Pilipinas ay ang Bagyong Ondoy na nagdala ng matinding hirap sa mga residente ng ating bansa.  Ang mga ipu-ipo at global warming ay isa rin sa mga ito.
                Napakaraming paraan na maari nating gawin upang ang mga ito’y masolusyonan. Ang mga mamamayan ay gumagawa ng napakaraming mga paraan upang maging ligtas sila sa anumang maaring mangyari sa kanila. Sa mga tao, napakaraming mga pinpayo ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan upang sila’y masigurong ligtas. Ngunit, sa kabila ng mga ito, napakarami ring nagagawa ng mga mamamahayag o mga tagabalita upang mailigtas ang mga mamamayan sa ganitong klase ng pangyayari.  
                Malaking papel ang ginagampanan ng mga journalist na katulad ko upang tayo’y mailigtas sa anumang uri ng mga pangyayari. Napakahalaga nila sa buhay ng mga tao. Nangongolekta sila ng mga impormasyong maaring makatulong sa atin. Nagbibigay babala ang mga ito upang tayo’y makaiwas sa mga kalamidad. Gumagawa sila ng balita na nanggagaling sa mga taong maaring mapagtanungan sa kanilang paksang kailangang gawin.   Napakaraming nagagawa ng mga ito para sa ating lahat.
                Sa mga lumipas at susunod pang mga kalamidad, kumakalap ang mga ito ng mga importanteng impormasyon katulong ang mga ahensya ng pamahalaan. Sa kooperasyon ng mga ahensyang ito, nabibigyan ng mga pamamaraan o kung tawagin ay “safety tips” ang mga tao upang maiwasan ang mga aksidente sa mga panahon ng mga kalamidad. Tumutulong rin ang mga ito sa mga outreach program sa iba’t ibang parte ng mundo. Tumutulong rin ang mga ito sa mga taong nangangailngan ng tulong ‘di lang sa mga nsalanta ng kalamidad kung ‘di sa lahat. Nakpagpapasaya sila ng mga tao kahit sa maliit na pamamaraan lamang. Higit sa lahat, nakatutulong din sila sa mga tao ‘di lang sa buong bansa, pati na rin sa buong mundo. Nakaiimpluwensya rin ang mga ito sa mga taong kanilang natutulungan.
                Ang mga kalamidad ay hindi biro para sa lahat ng mga nabubuhay dito sa mundo. Nakasira at nakakawasak sila ng mga buhay ng tao sa bansa at maging sa ibang bansa.  Dahil sa mga pangyayaring ganito, napakahalaga talaga ng mga journalists sa mga buhay ng mga tao. Dahil sa mga nagagawa ng mga journalists, bilib ako sa aking sarili na ako’y isang journalist.
                  



sources:

No comments:

Post a Comment