Sa aklat ng Genesis , Kapitulo isa talata dalawampu’t anim ay nakasaad
‘At sinabi ng Diyos, lalangin natin ang tao sa kanyang larawan ayon sa wangis at magkaroon ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid at sa mga hayop at sa buong lupa at sa bawat umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa”
Tayong mga alagad ni Juan Dela Cruz ay naatasang panatilihin ang ang magandang himig ng ating Inang Kalikasan. Ang mapangalagaan ang masasayang tinig ng mga puno’t halaman.
Sa patuloy na takbo ng panahon, iba’t-ibang pangyayari ang nagaganap ng hayagan. Dahilan upang untiang maglaho ang mahalimuyak na kulay ng ating kapaligiran.
BAGYO! BAHA! … pawang ilan lamang sa mga matinding delubyong ating nararanasan.Ilang buhay na ba ang nawasak? Ilang luha ng bayan na ba ang ating nasilayan?Tulad na lamang ng ilang ulat balita ng PAGASA, ilang bagyo pa ang inaasahang hahagupit sa bansa bago matapos ang taon. Ulat na tila nakakaalarma sa bawat musmos na kaisipan. Hindi din lingid sa ating kaalaman ang sagitsit ng nakakasindak na sigaw ng mga baha. Tulad ng ilang bahagi ng Cagayan, Isabela, Kalinga at Aurora na lumubog sa baha at tinayang 11 katao ang namatay . Mga delibyong gumigising sa mga natutulog nating diwang makabayan.
Tayong mga nilalang din ang magbibigay tugon sa laganap na ganti ng kalikasan na nangangailangan ng matinding kasagutan.Sa simpleng kaisipan magmumula ang katotohang ang bawat sakuna ay hindi maiiwasan ngunit ito ay mapaghahandaan.
Bilang kabataang may maliit na tinig, marami tayong magagawa upang maging handa sa bawat nagbabadyang unos na maaaninag.
>Maging bukas ang isipan sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.
>Mga puno sa kagubatan ay muling bigyang buhay.
>Maging gising sa mga programang ipinatutupad upang maging handa sa pakikibaka sa mga unos ng lipunan.
> Maging mulat ang kaisipan sa mga ulat panahon na makadaragdag sa simpleng hakbang ng kahandaan.
…mga gawaing magagawa ko.. at mabibigyang tinig ng pinagsama-samang yapak ng mga alagad ng Kalikasan.
Puno man ng kamusmusan ang diwa ng ilan sa’ting mga Pilipino, ang mga panimulaing ito ay tila mga gabay lamang na marapat bigyang kulay. Ang simpleng tinig ay maaaring maging isang ibong nasa gitna ng kalayaang makapaghatid ng makabagong panulat ng kasaysayang tutugon sa anumang tawag ng panahon.
Ako, Ikaw… Tayong nakalatag sa Perlas ng ating bayang sinilangan ay magsimula ng magkapit-bisig. Halina at malawakang paliparin ang Ibong may Panulat.
Sources:
www.yahoo.com(http://images.search.yahoo.com/search/images?p=kapaligiran&ni=20&ei=utf-8&y=Search&fr=yfp-t-701&xargs=0&pstart=1&b=1
www.google.com
(http://www.google.com.ph/images?q=kapaligiran&hl=tl&tbs=isch:1&ei=JD_aTJaKHdvKcNrCwMMG&sa=N&start=40&ndsp=20
www.abs-cbn news.com
No comments:
Post a Comment