SF10

Buhay ay isang regalo at pagpapala na kaloob ng Maykapal na labis nating pinag-iingatan at pinagyayaman. Natanong mo na ba sa sarili mo ang mga tanong na, “Handa na ba ako mamatay?”, “Sa langit ba ang aking kahihinatnan?” o “Sa paanong paraan kaya malalagot ang aking paghinga?”.

Ang Makabagong Jose Rizal ng Lipunan
“Ang pluma ay mas magiting kaysa espada” – Anonimo


- Paghahatid ng mga pinakasariwang balita sa lipunan patungkol sa mga papalapit na sakuna o kalamidad. Isang trabaho ng isang mamamahayag na diseminahin ang mga inpormasyon kaugnay sa mga balitang tulag ng storm signal, lakas ng bagyo, mga lugar na tatamaan at ang mga pinsalang maaaring maidulot nito upang makapaghanda ang mga tao.

- Pagbibigay babala sa masa patungkol sa panganib na maaaring mangyari sa oras ng kalamidad. Isang malaking tulong na maaaring maiambag ng isang mamamahayag ang simpleng pagpapakalat ng mga babala na pawang katotohanan lamang. Sa pamamagitan nito, lalo pang magiging wais ang tao patungkol sa papalapit na delubyo.
- Pagbabalita ng mga pagbabago sa mga susunod na oras bago humagupit ang isang trahedya o delubyo. Malaki ang maitutulong ng pagbabalita ng mga pagbabago sa isang lugar. Kung isang malupit na bagyo ang parating, sisiguraduhin ng mga mamamahayag na makapagbalita ng mga pagbabago patungkol sa posisyon, lakas, bilis at direksyon ng bagyo. Dahil dito, mas lalong maaalarma ang mga tao kaugnay sa maaaring mangyari sa kanila kung sakaling sa lugar nila ito mangyari.
- Paglalathala ng mga impormasyon kaugnay sa mga natigil na byahe sa dagat, himapapwid at sa lupa. Isang importanteng bagay lalo na sa mga taong paalis, palabas o papasok sa isang lugar na malaman kung ang seguridad at kaligtasan nila aywala sa bingit ng kamatayan. Mainam na makipagtulungan ang mga mamamahayag sa mga kinauukulan para makakalap ng mga impormasyon ukol sa mga natigil na paliparan at biyahe.
- Pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tips kung paano maghanda bago dumating o mangyari ang isang panganib. Isang napakalaking tulong sa mga tao kung ang mga mamamahayag ang magbibigay ng mga tip kung paano sila makakapaghanda sa isang sakuna dahil ang mga mamamahayag ang pinakalapit sa lahat lalo na sa pamamagitan ng mga pahayagan, telebisyon, internet o maging sa radyo.

- Pagkikipag ugnayan sa pamahalaan. Kung hindi kyang gawin ng mga normal na tao na humingi ng tulong sa mga kinauukulan, ang mga mamamahayag ang handang tumulong at sumaklolo sa mga istasyon ng pulisya, bumbero, pulisya o maging sa angkop na sangay ng pamahaalan alang-alang sa mga taong maaaring maipit sa sakuna.
Hindi lamang gobyerno ang may ‘K’ na tumulong sa mga taong hindi alam kung ano ang gagawin bago humagupit ang isang trahedya o sakuna. Upang mapaglabanan ang sigwa, kailangan ang pananalig sa Poong Maykapal dahil siya ang magbibigay kapangyarihan sa iyo upang mailigtas ang sarili. Kailangan ng sariling sikap dahil sa ikaw lamang ang kikilos at hindi ang iba. Syempre ang tulong ng iba katulad ng sa pamahalaan at sa mamamahayag.
Kung mahal mo ang regalo sa iyo ng Panginoon, ang iyong buhay. Sasagipin mo pa ba ang sarili mo kung alam mong maaari ka pa namang tumakas?
Kahit saan, kahit kailan o kahit sino, walang pinipili ang trahedya kung kumitil kaya upang mapaglabanan ito ay kailangan mo ng pananggala at baluti laban sa kapahamakan.
Mga Pinagkuhanan:
www.chemonics.com/projects/Finalreports/
http://www.lib.csusb.edu/gov/govdoc.cfm
No comments:
Post a Comment